Ang bawat indibiduwal – babae man o lalaki – ay dapat na may sapat na kaalamang pangalagaan ang kanyang kalusugang seksuwal at reproduktibo.
Karapatan din niyang magdesisyon hinggil sa panganganak o di-pagkakaroon ng anak , nang walang diskriminasyon, pamimilit at karahasan.
Sa buhay din ng bawat indibiduwal, may mga bantang pisikal, emosyonal at panlipunang nangangailangan ng kagyat na desisyon at pagkilos. Kaalman sa buhay o life skills ay mahalaga sa pag-unlad at pagsulong ng kabataan Pilipino.
Ito sana ang mahahalagang mensahe at aral na nilalayong ibahagi ng Lesson Guides in Adolescent Reproductive Health ng DepEd.
Suporta sana ito sa pagsisikap ng mga guro, na tugunan ang kalagayan ng kanilang mga mag-aaral hinggil sa kanilang kalusugang reproduktibo.
Sa kasamaang palad, pansamantala itong maaantala.
Sa kasalukuyan, isa sa bawat lima sa 85 milyong Pinoy ay kabataang nasa edad 15 hanggang 24.
Pagdating ng taong 2030, hihigit na sa 30 milyong ang kabataang Pinoy, ayon sa Young Adults Fertility Survey, o YAFS 3, na isinagawa noong 2002.
Taun-taon, milyun-milyon sa ating mga kabataan ang nanganganib mabuntis nang maaga, wala sa panahon at sa di nila kagustuhan.
Marami ditto ang magpapalaglag ng kanilang mga dinadalang sanggol.
Marami rin ang magkakasakit ng mga sexually transmitted infection o STI, kung hindi man HIV/AIDS mismo.
Dadalhin nila ang mga sugat at mapapait na mga karanasan mula rito, panghabambuhay.
Masaklap pa, wala o ipnagkakait ang mga serbisyo upang matulungan sana sila sa kanilang kalusugan at ang impormasyong dapat sana nilang taglay upang naiwasan ang ganitong mga karanasan.
Kabilang na rito ang pagtuturo ng adolescent reproductive health at mga life skills (kakayanan sa buhay) katulad ng programa ng DepEd.
Ang nakakalungkot – at nakakagalit - ay ang mga maling akala at huwad na impormasyong ginamit ng mga tumutuligsa sa programang ito ng DepEd. Panahon na upang basagin ang mga maling akalang ito.
In a phone interview with A4Y president Cyndy Jarabata last week, she said that CLUB K (Kabataan, Kalusugan, Karapatan) Youth Hub will serve as the teen headquarters as well as counseling and clinic for the young people in Muntinlupa.